1.19.2007
Talking inanimate objects

tandaan mo na minsan kailangan tayo saktan at ibaon ng iba para malaman natin ang ating silbi, saka natin maiisip, mahalaga pala tayo

- pako

hindi lahat ng pink ay pang-kikay lamang...

- MMDA

Wag mo na akong bilugin!!!!!

-kulangot

hindi lahat ng hinog ay matamis

-nana

Hindi lahat ng bubuyog kulay itim!

- Jollibee

Sige! Magpakasaya ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo!

- Hipon

Wag ka nang magmatigas! Ako din ang nahihirapan

- Brief

Sige, kalimutan mo ako!

Para

malaman ng lahat ang baho mo!

- Deodorant

Hindi lahat ng dugo pwedeng idonate

- Regla

Hindi lang likas papaya ang kayang magpaputi

-an-an

Ayoko na! Bakit pag nagmamahal ako nagagalit sila?

- Gasolina

Alam mo... wala na akong hinangad kundi ang mapalapit sa'yo. Pero patuloy ang pag-iwas mo..

- Ipis

hindi lahat ng maasim ay VITAMIN C....

-kili-kili!

ponkan at mansanas sa refrigerator...

Mansanas: Grabe ang lamig dito noh??

Ponkan: Hala! Nagsasalita ung mansanas!!!

Ako na nga ang inapakan, ako pa ang pinandirihan!

-tae

Bakit Hindi niyo ko nirereplayan?!

-smart subscribers

sabi nila ang gulo-gulo ko daw parati....

- bülbol

Pinapaikot mo lang ako. Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na lang ako.

- electric fan

Hindi lahat ng walang salawal ay bastos.

- Winnie D' Pooh

Hindi lahat ng green ay masustansya.

- plema

Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sa 'yo. Ayoko ko lang naman na sa harap ng maraming tao ganun mo na lang ako itanggi...

- utot

Sawang sawa na ako palagi nalang akong pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako.

- bola

You never know what you have till you lose it. And once you lose it, you can never get it back.

- snatcher

Ginawa ko naman lahat para sumaya ka mahirap ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?

- TV

Sige, batihin mo ako.... Sigeee.....BATEEEEEE!!!!!!!!

- omelette

Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!

- libag

Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?

- Lego

Noodle! Noodle! Noodle!

-Manny Pacquiao sa Deal or No Deal

pinapag-aral kayo ng mga magulang niyo para matuto at hindi para maglakwatsa.

- manong guard

biktima din kami ng abortion!"

-balot

sana

naisip mo lahat ng sakripisyo ko! hindi ako panakip butas!"

-panty

hindi lahat ng labi masarap halikan"

-diego

ganyan ba talaga tingin mo sa kin? kailangan mo lang ako pag nag-iinit ang katawan mo?"

-thermometer

Bakit ba pati kami binibigyan nyo ng malisya, ano ba kasalanan namin?"

-talong, hotdog at itlog

You never thanked me for mak!ng you happy

then you throw me just like that.

I hate you for using me,

For making my life full of sh!t!!!

-tissue

Andito ako sa tapat ng house niyo...Labas ka naman.

-Gate

kelan kaya ako magkakaroon ng misis?

-Mr. Chips

ako nga din eh!

-Mr. Clean

baket kau lang ba?

-Mr. Quickie

Sama ako!

-Mr. Bean

ei! w8 lang ha.malapit na ako

-supertyphoon reming

o ano napala nyo? huh?!

better than me pala ha! haha!

napaka-unprofessional naman ng pinalit nyo sa akin!

sayang lang ang paghihintay nyo!

hindi kayo sinipot!

-MILENYO

Ang yabang mo! Pinagtatawanan mo ako samantalang dati gustong-gusto mo ako!

- Nokia 5110

hindi lahat ng 13 ay malas!

-13th month pay

pila-pila lang.. walang tulakan... lahat tayo makakalabas

-ebs

Alam kong marami akong tanong sayo,

pero nagtatanong lang naman ako.

Sana

wag mo kong murahin patalikod pag di mo masagot ang mga tinatanong ko."

-TEST paper

Kahit ilang yosi ang sindihan ko,

hindi ako magkaka cancer!!! Bwahaha!"

-lighter

Nakakasawa na!

Lagi na lang akong SINUSUBO, DINIDILAAN

PINAPATIGAS at PINAPASOK!!"

-sinulid

Sikat talaga ako,

Pagdumaan ako nagtitiliian ang mga babae mapa lalaki.

Nagsisigawan...

Nagtatalunan pa."

-daga

Tama ka nga, sexy ako pero naaalala mo lang naman ako

pag nag-iinit ang katawan mo!

Alam mo bang nanliliit ako sa tuwing ako'y ginagamit mo?!

-safeguard

Wag mo kong daanin sa iyak.

Tandaan mo, ikaw ang unang nanakit.

-sibuyas

Alam kong masama ang loob mo,

pero wag mo naman sanang ibaling lahat ng galit mo sa akin.

Parang awa mo na.

-kubeta

Ba't ang lagkit mo kung makatitig?!

Ang higpit mo pang humawak at ang lakas ng loob mong

hipu't-hipuan at pindut-pindutin ang katawan ko!!!

-cellphone

Wag kayong umapila. Ako lang ang may karapatang magmatigas dito. Ako lang!!!!

-bato

Bakit ba kayo nagagalit kapag hindi ako nilalabasan?!

-ballpen

hindi lahat ng party nakakapagpasaya..."

-third party

Kung ginalingan mo lang ang pagsupsop,

habang matigas pa ako...

Hindi ka malalagkitan o magkakatulo!

Mabagal kang kumilos... Mabagal ka! Mabagaaal!

-ICE CANDY

...

- pipi

Nagkalat na ngayon ang mga text jokes na ang ending ay ganito:

-sibuyas

-electric fan

-tae

-hagdan

Yan yung mga text jokes tungkol sa pighati & dalamhati ng mga inanimate objects. Tapos pati sila Majin Buu, Goldilocks, Winnie The Pooh, & ultimo ang mga lamok, nagkakaroon na rin ng mga drama lines.

Nung una... tawang tawa ako dito. Ang pinakauna ko kasing nareceive eh tungkol sa mga baboy. Next, tungkol sa sibuyas. Hanggang sa dumami na.

Pero ngayon...

OA na!

Araw araw na lang nakakareceive ako ng ganitong text joke. Iba't ibang bagay ang biglang nagsasalita. Minsan, isang joke, ilang beses kong narereceive.

Grabe talaga! OA na!

Kayo rin ba nasosobrahan na sa ganitong mga text jokes? Ako kasi, oo.

Biruin mo ba naman... Kakagising ko lang kasi & guess what--nanaginip akong hinahabol ako ng malaking tinapay (specifically, yung D'Dutch ng Bread Talk). At sa panaginip ko, takot na takot daw ako dun sa tinapay. Sa sobrang dami ko atang nareceive na ganitong jokes, binangungot ako & sa panaginip ko, hindi lang basta nagsasalita ang mga bagay... nanghahabol & nananakit na rin!

My goodness!

-peanut butter

wahahaha nabubuhay na ang mga inanimate objects! kakatawa naman yang sa bread talk. hehehehe oo nga minsan o.a. na. pati si bin laden, nagkaroon na rin ng quote. baka mamaya, sa sobrang dami na ng quotes na ganyan, pag ako na ang nagdrama sa kaibigan ko, baka tawanan lang ako at isiping nagbibiro ako

-Saddam Hussein (if he spoke tagalog) referring to friend George Bus

 

Bite Marks:
Post a Comment

Bite Marks: Post a Comment


« Return to me