12.30.2007
Demonz' post-christmas, pre-new year's party

We went to Demonz EB last night somewhere in Pasay. Naabutan namin silang nag ra-raffle. As expected, si Jettie ang kanilang host XD

While we're eating, may dumating na.. I don't know what to call them LOL basta they're a bunch of girls and gay teenagers wearing two-piece - halter tops and mini skirts @_@ They're like carolers but instead of singing, they dance. Akala ko nga kasama yun sa program nila eh LOL Nakakaloka performance nila lalo na yung mga gay - bigay na bigay LOL Sayang nga eh! Nakalimutan ko yung camera ko >_<

Anyhoo, after the performance, nagkaroon ulit sila ng game. They called it gravity ball. Mahirap i-explain pero iikot sila ng for 8 times tapos sisipain nila yung bola. Kung sino pinakamalayo mananalo ng in game prize. Malamang tumba ka na sa hilo bago mo pa masipa yung bola LOL

Yung isa, after umikot dumiretso kay Vasteral tapos natumba. Yung isa natumba pa-atras, yung isa, akala ko nabagok na ulo. Muntikan pa silang makabasag ng bote kasi natumba ng malakas dun sa may mga lalagyan ng bote sa kapit-bahay XD

Since wala yung camera ko, hintayin ko nalang na masend sa akin ni Jettie yung pictures nila.

 

Bite Marks:
Post a Comment

12.28.2007
Abandoned kitten for a company

Kagabi lumabas ako saglit para magpa-hangin. Yung isa sa mga kuting (3 sila) na pumasok sa bahay, nasa labas din. Binigyan ko sya ng gatas ^_^ After nyang uminom, nagpumilit syang umakyat sa upuan ko - nakipaglaro tapos natulog @_@

I called her "Fern"

drinking her milk


playing with my feet


finally made her way to my lap



sleeping...

 

Bite Marks:
Post a Comment

12.23.2007
Updates, updates, updates...

Mga nangyari sa akin this week.

Company Christmas Party 2007

We held our Christmas party at BagaBerde near World Trade Center in Pasay. We had so much fun! Party's theme is the 80's of which I didn't bother to dress up - hindi ko carry XD. We had live bands (composed of LU employees) and Kamikazee as our guest band! We had raffles, departmental videos food, lots of booze and BONUS!!!! ^__^

Share ko lang. Pagdating namin, binigyan ako ni Sir Tito (VP for Marketing and Sales ng Netopia) ng gift. I thought it was a chocolate. When I opened the box, it smells like chocolate. When I was about to take a bite of it...

"Ay potangina kandila pala!!!"
"Ano na Myla! Hindi ka pa lasing nyan ha?!"


It was pretty embarrassing. Eh kasi naman tingnan nyo naman ang box! Wala man lang sinabi na kandila sya dabah? Tapos madilim pa so malay ko ba! -_-;

---

Nadulas ang lola nyo nung naglalakad ako papunta sa table namin at Mc Donald's sa harap ng madlang people. Ngayon may malaki akong pasa sa tuhod ko :(

---

Nagyaya si Cj ng inuman kasi may promo ang aming tambayan (121) na bottomless beer for only 200 bucks. Pagdating namin dun, medyo lasing na sya and sya ang taga ubos ng beer ni Erick XD Pagdating namin dun, mega kwento si CJ ng kanya pre-wedding jitters hehehe. Syempre kami naman eh nakikinig sa kanyang mga hinaing.

After that, diretso starbucks at ayun, sige parin ang kanyang kwento. Nakauwi na ako mga 4am in the morning LOL

---

Then kanina, overwhelming stress + overwhelming relief = NAKAKALOKA!

Sobrang na stress ako kasi hindi natuloy yung Davao Skirmish event ko.. well sort of. Feeling ko napahiya ako ng sobra. I mean the players are looking forward to it tapos hindi natuloy. Gusto ko nang maglaho at that time T_T.

Relieved kasi the players were willing to move it next year and para makabawi naman ako, I promised them na pupunta ako sa Davao for that event. Sobrang natuwa when I heard them cheered. Mangiyak-ngiyak ako nung kausap ko sa phone yung contact ko and he was relaying my message to players. "Ok lang!" they shouted nung sinabi kong "pasensya po talaga" sa kanila. Gusto ko nang humagulgol kanina T_T


Yun lang po. I have to go to sleep na. Maaga pa mamaya for a last minute christmas shopping.....

(ay shit! wala na pala akong pera! Grrrr.....)

 

Bite Marks:
Post a Comment

12.16.2007
A little bit of shopping

I went shopping kanina to buy clothes for the christmas party namin. Buti nalang yung isusuot ko pwede pang gamitin ulit. Problem ko nalang is yung top ko. Hindi ako makakita ng kasya sa akin. Yung nakita ko sobrang luwang naman.

Lumabas ako ng mall to get some air (kasi ang DAMING tao), may tumabi na 2 ghay. Posturang-postura yung isa. Full make-up with matching cleavage ang mga lola! Lahat ng lumalabas either napapatingin or tumitingin. Natalbugan ang beauty ko! Hahahaha! Sabi yata nung isa "panay ang tingin dito ha" or something like. Naka-pasak yung earphone ng shuffle ko sa tenga ko eh XD

Tapos nung pauwi na ako, bumili ako ng donuts for my sister. Nung ako na yung bumibili, bigla akong nahilo. I didn't realize it was past 8pm na and hindi pa ako nag di dinner. Ang init pa, ang daming tao, ang bigat pa ng bitbit ko >_<

Just want to share this dance number by Luningning, Mariposa and Milagring. Uhm! Ahh! Uhm ahh ahh!

 

Bite Marks:
Post a Comment

12.15.2007
80's look , overwhelming stress, gundam, and monito-monita

Kanina nag-bigayan na ng gift for monito-monita namin. I gave my monito a wrist cushion ek ek and I got a 100 gift certificate of Starbucks ^___^ I bought coffee after that XD Tomorrow I have to buy another gift for the last monito-monita. At least alam ko na ibibigay ko sa kanya kaya hindi na pahirapan XD.


***


Our Christmas' party theme is the 80's. So I made a research kasi hindi ko alam kung paano look nung 80's. Bata pa ako masyado para matandaan yung trend nun XD

Ang part na hindi ko ma-take is the hair! Crimped, feathered, ultra-teased hair!? I think my hair is sabog enough to get that look. I'm thinking making my hair to sideway na ponytail. Pero sasakit ang ulo ko sa sobrang kapal at bigat. Lalagyan ko nalang ribbon XD


***


Kanina lang, mega, mega stress na naman ang lola mo. Chain reaction nga eh. Hindi lang kami natuloy sa CDO, sunod-sunod na problema pumasok. Buti nalang in the end, naayos din. Pero pramis during that time, nagpapanic na ako kahit tahimik lang ako. Buti nalang may good news. Dumating na yung sweldo namin!!! WEEE!!!! ^____^


***


Dahil malakas ka sa akin Oliver kahit na lagi mo akong inaasar, binabara at pinagtri-tripan, pagbibigyan ko kahilingan mo >_>

Gusto lang naman nyang i post ko yung bago nyang Gundam chuva ek ek...






Ayan.. masaya ka na?

 

Bite Marks:
Post a Comment

12.13.2007
Another way of de-stressing

I was randomly downloading mp3s and thought of looking for piano version of Aerith's Theme. I found one but it's an orchestra version.

So I went to youtube and searched for any video that played Aerith's theme in piano. Voila! I found this guy - calbee219

Grabe! He's really amazing! I suddenly remembered my "piano" days LOL

Tapos kanina, I was so tired (and practically brain dead) after I prepared the event materials for CDO. Then I remember Keith telling us earlier about what Pido (speaker) told them during the seminar - not to think for 15 minutes to clear your mind. Diba parang ang hirap gawin nun? So what I did, I opened my multiply account and played the videos I uploaded from this guy. As in paulit-ulit.

PRAAAMMIISSS... sobrang na de-stress ako. Parang nag reformat utak ko, as what Janrey said XD

If you like piano music and a Final Fantasy gamer, better check his vids.

Aerith's Theme is my favorite

 

Bite Marks:
Post a Comment

12.11.2007
One year older

Amidst the toxicity of every day work, thanks to those who made this day somehow special to me.

Thanks to my family, Rf team, friends, vanguards, to the rf community, and to my co-workers.

^__^

 

Bite Marks:
happy bday morri ^^
Bitten by Anonymous Anonymous on 12/12/07, 11:58 PM [ ]

Thankies! ^_^
Bitten by Blogger Morrigan on 12/13/07, 2:47 AM [ ]

Post a Comment

12.09.2007
Overlords (Bellato - Altrax) Christmas Party

I received an email from our SE forwarding a message from Overlord inviting us to come to their Christmas party. Since sa Makati naman and no scheduled event yesterday, we decided to come.

Pumunta ako sa office to fetch my GMs. Nahirapan kaming sumakay ng cab kasi hindi nila alam kung saan yung pupuntahan namin.

Pagdating namin dun, hindi namin alam kung saan banda yung cafe at kung saan-saang eskinita pa kami nakarating. Buti nalang nagtanong si Vazilos kaya nakita namin. Along the road din pala makikita yung cafe amf XD


As a little gift, I gave them an RF poster na may signature ng lahat ng past and present GMs ng RF and Vasterjal gave the attendees 50 sets of High Gems ^^ Ayun... kain kami, inom, chit-chat with the players and syempre pichure-pichure XD



After Varhanite downed a glass of Fundador (kapal ng mukhang mag request ng Fundador amf!) I asked for another picture taking sa harap ng cafe nila.

Thanks Overlords for the free booze and food hahaha!

Nakakatawa nung pabalik na kami sa office sa loob ng cab XD Pag nag-uusap kasi kami, 90% of the conversation ay puro kabastusan. AS IN! Tapos tinanong ko si manong driver,

"Manong hindi naman kayo naiilang sa usapan namin..?"
"Hindi naman. Kumukuha nga ako ng tip eh"

*rotflmao*

Tapos Chino told manong,

"Yang katabi (Janrey) nyo manong, manyak yan eh"
"Mukha nga eh"

*rotflmao*


After that, pumunta kami sa Starbucks (their everyday ritual before they go home) and just hanged out.

Well sila nag D-DS kaya medyo OP ako. Buti nalang naubusan na ng batt yung DS ni Oliver kaya kami nalang nag-usap XD

And before I end this, thanks to Gbert for filling my Starbucks card with another sticker and to my baby for filling the rest! Weee!!! May planner na naman ako!!!



It's somehow better to last year's planner. I think. Well yung spine kasi ng planner ngayon, it allows you to fill it extra pages pero each page has 3 days instead of 2 kaya mas maliit yung space na pwedeng sulatan. Tsaka lapis nalang hindi na ballpen LOL

 

Bite Marks:
Post a Comment

Recent happenings...

Syempre nabaon na naman sa limot tong blog ko -_-;

Hmmm...

1. Dumating na yung 13th month namin! ^__^

2. Yung mga boots na gusto ko wala silang size 7 PERO yung boots na gusto ko na dating sold out ngayon available na ulit sya! Best part - MAY SIZE 7!!!! WEEEEE ^___^ Can't wait to get my hands on those amf!

3. While I was at Game Ops area sa Case Processing to check on the player's case, someone was taking a picture of Toti - naka make-up pala with matching shiny clip and shiny hair band haha! I think they had a bet na pag na-late sya, they're going to put make-up on him. Apparently na-late sya XD


4. We're scheduled to go to Cagayan de Oro this coming weekend for another Skirmish. Kung saan-saan na ako tinatapon no?

5. I still have 5 days sick leaves and 5 vacations leaves >:)

6. I am now a "regular" at my work =D

7. I'm going to be a year older again anytime soon =(

8. I'm excited for my pamangkin to come out! ^____^

9. My hair's getting longer (not to mention heavier) again. Need to chop-it off again.

 

Bite Marks:
Post a Comment

12.03.2007
Our trip to Laoag

We're close to moving (again) the event to Ilocos because effing Trillanes made a commotion at the Manila Pen last Thursday, there were stuff due on that day for our Ilocos. Salamat nalang nandyan si Sir CJ at natuloy kami sa Ilocos. Labshu Sir CJ! *^_^*

So ayun, sort of bonding kami ni CJ, Janrey and Mang Herms through out the trip. Binaba namin si Sir CJ sa may San Fernando, Pampanga to meet with the Sales Team kasi sa Baguio ang punta for the Smart thing. Nalibre pa kami ng dinner nyahahaha!


We found this small bar with live band beside a gas station nung nag stop-over kami.

It's already around 12 pm when we reached Ilocos Norte. Grabe ang linis ng daan! Walang tao AT walang ilaw! Hahahaha! Madalas wala kaming sinusundan at walang nakasunod sa amin. As in kami lang yung nasa daan. Napaparanoid nga si Janrey kasi ayaw daw nya sa dilim XD

Thanks to the Farinas bus we're following, we reached Laoag around 1:30am in the morning. Surprisingly, nakita namin agad yung hotel na tutuluyan namin. We checked-in and met up with the cafe owner to visit their cafe para alam namin kung saan pupunta later for the event. After that, we asked kung meron pang bar na open kasi gusto daw uminom ni Janrey and hindi pa kami masyadong inaantok. Binaba kami sa isang bar with the name "Cock House" LOL

Later that day, nag prepare na kami ng stuff for the event. Nakarating kami ng cafe around 1:30pm kasi medyo naligaw pa kami (oh diba useless pa yung pagpunta namin kaninang madaling-araw XD). There nakilala namin yung cafe owner and staff na mega kulit. Nag set-up na kami for registration and the tarp.

4 teams registered as soon as we finish the set-up for registration area. Tapos kwento-kwento, picture-picture, and nagkukulitan XD Dumagsa mga tao nung malapit nang matapos yung registration. And there was a even a team that came all the way from Vigan! Pero grabe yung isa sa kanila SOBRANG KULIT... Hindi ko na mabilang kung ilang beses nya sinabi sa akin yun. Parang everytime he gets the chance, tatawagin nyan ako XD

Cafe owner and staff





A total of 8 teams registered. After every match, nag pa-pa "waffle" (rafffle) ako. Pag lalabas ako ng cafe palaging may sisigaw ng WAFFLE!!!! XD Nagasgas lalamunan ko noon grabe XD

Tournament went on until 9:00pm and ito yung mga winners:

Champion - Team Quake 1


1st Place: Team Noobie


2nd Place: Team Hyperworx

After the tournament, nag pa noob race na kami and mukhang mas nag enjoy sila dun kasi tinuturuan nila yung mga first timer kung saan sila mag papa level. (Forgot to take a picture kasi nagpapahinga ang lola nyo at that time XD)

After the noob race, mega sigaw na naman ang lola nyo para mag pa picture before matapos yung event. Sumampa na ako sa upuan sa gilid para lang ma cover silang lahat XD

After the event, nagyaya yung cafe owner for dinner. GRABE ANG DAMING FOOD NA IN-ORDER!!!! We didn't ate anything during the event pero naman... hindi lumalaki ang tyan pag nalipasan ng gutom. As much as I wanted to try them all, I can't kasi busog na busog na ako XD

Pagkahatid namin kay Manong Herms (ang aming magiting na driver) sa hotel to rest kasi malayo pa lalakbayin namin the next day, sinundo kami nung cafe owner with his Chrysler. I'm not really a fan of cars pero nung nakita ko sya at sinakyan namin, I was like WOW! I rarely see those kind of cars in Manila. Customized pa yung plate nya LOL


Anyway.. pumunta kami sa isang bar in San Nicholas malapit dun sa resto na kinainan namin. It was already 11pm nung nakarating kami dun pero halos wala pang tao. Pagdating palang ng 12 tsaka nagdagsaan mga tao. Tapos may dumating na isang grupo. Nung tiningnan ko akala ko mga matatandang babae na sosyal yung mga pumunta. Nung tiningnan ko ulit, ampota mga masyondang bakla pala! *rotflmao*

*whispered to Janrey* "Mga bakla pala amf!"
*whispered back* "Oo. Yung isa nga tumitingin sa akin eh"
"Sino?!"
"yung pinaka matanda sa kanila. Tingnan mo naman ang porma - naka black leather dress tapos naka white boots."
"HAHAHA!!!"

Tapos pag balik nya from CR, sinundan daw sya HAHAHAHA!!!!

"anong ginawa nya?"
"naghilamos"
"buti walang ginawa sayo?"
"susuntukin ko sya pag may ginawa sya!"

Tapos may girl sa dance floor, sa harap ng DJ booth, na sumasayaw ng. She's an eye candy naman. The thing is, the music's beat was fast and she's dancing slow and sexy. Tapos isang set of move lang yata ang alam nya. Napapailing nalang kami ni Janrey eh XD

Syempre bago kami umalis picture picture ulit!



Tapos pumunta kami sa Cock House ulit. Nandon ulit yung band na nadatnan namin nung Sat kaso patapos na sila nun kaya hindi kami masyadong nagtagal.


The next day, we left Laoag around 12 pagkagaling namin sa cafe kasi may kinuha pa kami. Tsaka lang ako nakakuha ng pictures na matino kasi gabi na kami nung nakarating kami ng Laoag.. madilim na T_T





Nakakapagod pero sobrang worth it. I'm hoping na we can do one of our CUS here (this time by plane syempre! XD)

To Carlos, Dino, Sir Enrico, Jude, Gichin and Uplink staff, thank you, thank you for the warmest welcome and assistance.
Sa mga players na dumalo MARAMING SALAMAT sa pag punta. You guys made our trip there sobrang worthwhile! ^____^

Sa uulitin! ^_____________________^

Author's Note:
Took me 2 days to finish this entry amf! Dec 3 inumpisahan Dec 5 na na-post amf ulit! More pictures at my multiply

 

Bite Marks:
Post a Comment