Of glasses and f2p
Weeeehhh... inaamag na blog ko T_T
Mega busy ang lola nyo lately. Kaliwa't kanan ang mga request, formssssss na dapat fill-up-an, walang katapusang announcement at update sa boards tsaka sa site. At dahil sa araw-araw ng ginawa ng dyos na nasa harap ako ng pc, medyo malabo na mata ko kaya eto napilitan akong magsalamin :((
Anyhoo....
2 days ago we announced that RF Online will be adopting the free to play format. Syempre ang daming negative reaction. Magagaya daw sa RAN yung community namin - papangit. Personally, I haven't been in to their community to tell how bad is it. Siguro try ko minsan or at least check their boards.
I have nothing against f2p. I think it's a great way to tease players. Ayaw kong isipin yung negative players kaysa sa mga matino. Pessimistic kasi ang tingin ng mga tao pag sinabi mong f2p ang isang game - maraming bastos at tarantado. Ang sa akin lang kasi, kung ganun na yung mindset mo at tatarantaduhin mo din sya, eh wala kayong pinagkaiba kahit nagbabayad ka pa. Sabi nga nila "ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw". Kailangan ko pa bang i-explain? Ahahahah!
Kailangan ko nang matulog. Update ulit mamaya. Sumasakit na balikat ko >_<
In any case, we'll see how it goes on August 28. XD