11.26.2007
Isang araw sa presinto

By far, this is the worse weekend I had.

Thursday, may dinalang katulong (ulit) si nanay sa bahay. She's 17 years old from Samar. Friday, tumawag si nanay while I was still at the office telling me na nawawala daw yung katulong. Pag-uwi ko, nadatnan ko yung bahay na magulo. Sabi sa akin ni Lanie, iniwan daw nakatiwangwang yung bahay na ang gulo-gulo at ang daming kalat. Tapos iniwan nyang nakababad yung CR and kitchen with muriatic acid.

I rushed to my room to check "the ring" and IT WAS GONE!

I called nanay and told her na nawawala yung singsing ko. I was so effing furious that I broke down and cried.

Saturday, Ate Luz (aunt nung katulong) contacted their relative in Tondo kasi may kamag-anak sila dun and they think na doon sya pupunta. Nag text sa akin si nanay nung nalaman nila na nandon na yung katulong. Sabi nya sa akin na sabi daw sa kanila na kaya daw sya umalis kasi 3 storey daw yung bahay at ang sungit daw ng amo. Eh potanginang yan... wala pa nga syang 24 oras sa bahay masungit na yung amo?!

Pina-baranggay nila and ayaw umamin nung katulong na sya yung kumuha. Maya-maya nag text si nanay na umamin na daw and that nakatago daw sa bahay yung singsing. Which is weird kasi bakit ka kukuha ng bagay tapos doon mo lang din itatago. Pina-check sa akin ni nanay yung kusina, CR and kwarto ni Lanie kasi don daw nya tinago. Oh diba, she can't make up her mind kung saan nya talaga tinago.

Sunday, nagsabi na naman na nasa asawa daw nya binigay yung singsing! Tangina sinungaling talaga.

Monday, Nanay texted me na pumunta sa presinto para mag file ng formal case kasi dito nangyari sa Cavite. Kasama nila yung katulong. The place was ok naman kaso ang tagal namin naghintay. Yung mga complaints na nakasabayan namin were nanakawan ng bike, nagnakaw, defamation/libel and frustrated homicide as far as I can remember.

May isang nakakatawang incident kanina. May sinurrender silang suspect for theft kasama yung witness, yung mga humabol, yung ninakawan and yung police officer. Pinaupo yung suspect beside the table next to me. He was interrogated by the chief investigator. The room was pretty busy.. people coming in and out habang kami nakaupo naghihintay. Tapos umalis yung witness and company para kumain siguro or I don't know. Tapos maya-maya lumabas din yung investigator. After a while, I was half asleep when all of a sudden nagtanong yung investigator kung nasan na yung suspect. Eh hindi pa nakaposas yun LOL Tanga-tanga kasi nila... hindi binantayan kaya ayun.. he got the chance to escape HAHAHA!!!

Pagkatapos ng ilang oras, it was our time to get our statement. Grabe ang bagal mag type. Parang aabutin kami ng 1 taon bago sya matapos. Puro mali pa. Parang gusto ko na ngang mag offer na ako na mag ta type para matapos agad XD When all's done, tinanong nung sarhento yung katulong, "ano hindi mo ba talaga sasabihin kung nasan yung singsing? May oras ka pa para sabihin para hindi ka makulong." Ayaw talaga magsalita. The papers were ready to sign and tinanong ko ulit sya kung hindi ba nya talaga sasabihin. Hindi kumikibo. I signed the papers and Ate Luz asked her again tapos biglang sagot nung katulong na binenta daw nya yung singsing sa Delpa. Tinanong namin kung kanino binenta, hindi daw nya kilala. Alam mo kung magkano binenta? 1 thousand lang naman -_-; Lalong nanggalaiti si Ate Luz tsaka si tatay. At this point wala na akong reason para maniwala pa sa kanya. Ilang beses na sya nagsinungaling and I don't think it's worth it na maniwala pa kami sa kanya. Mangdadamay pa ng tao leche.

Sinundan namin sila sa piskal sa Cavite City. We were asked a few questions about what happened and stuff. There she was given another to tell kung nasan talaga yung singsing. Ayaw nya talagang sabihin. Mas gusto pa nya talagang makulong kaysa sabihin yung totoo dyos ko... The attorney signed the papers and I payed 200 for the filing fee. Habang naghihintay, yung 2 sundalo sa tabi ko nagtanong..

"Ma'am ikakasal na po ba talaga kayo?"
*nodded with a smile*
"kasi po ito binata namin isusunod na po sana namin sya"
*laughed*
"hindi pare, ikakasal na nga eh"
"ok lang yan, ikakasal palang naman eh"



Now, nakakulong na sya. Ate Luz told me to wait for the subpoena. As for the ring, I doubt na makukuha ko na yun because, apparently, she can't make up her mind kung ano ba talaga ginawa nya sa singsing.

 

Bite Marks:
D: How horrible! Sana maapi siya sa presinto - or worse!
Bitten by Blogger Thyalla on 11/28/07, 4:12 PM [ ]

Sayang ang singsing!!! WAAA!
Bitten by Blogger Dave on 12/3/07, 6:26 PM [ ]

Post a Comment

Bite Marks:
D: How horrible! Sana maapi siya sa presinto - or worse!
Bitten by Blogger Thyalla on 11/28/07, 4:12 PM [ ]

Sayang ang singsing!!! WAAA!
Bitten by Blogger Dave on 12/3/07, 6:26 PM [ ]

Post a Comment


« Return to me