10.28.2007
Girl for a day

I only had an hour of sleep before I got up to prepare for my cousin's wedding. Adik eh XD

Nakarating ako sa Shang around 7am. It was my first time. It was a pretty big place with wide hallways XD Muntik na akong maligaw kasi walang tao para mapagtanungan. Napunta pa ako sa restaurant kasi akala ko yun yung reception nila! Ano na, Myla? Inaantok ka pa? XD I kept on walking to I don't know where. Until, alas, I found a bellboy near an elevator. Phew!

Naabutan kong inaayusan na yung isa kong Aunt. She's older compare before the last time we met. Yung pinsan ko (na nilagyan ko ng make-up habang natutulog noon) ngayon binata na Yun nga lang mukhang gangster na ewan pero wafu. XD Yung inaanak ko na matagal ko nang hindi nakikita (bad ninang!) malaki na.

When I saw Je, she was gorgeous. Naalala ko pa nun nung bata pa kami ni Lanie na excited pag sinabi ni nanay na pupunta sina Lyn sa bahay or pupunta kami sa kanila. Nangungulangot lang kami non ngayon ikakasal na sya hahaha! I'm sure she's happy with her hubby now.

It was my turn then para ayusan. After applying a few make-up, taenang mga bakla to bumulong ba naman ng "parang ikaw yung ikakasal" Flattered ako pero diba.... araw ng pinsan 'yun LOL. Bastos XD

Nung magbibhis na ako, I was worried kasi masikip yung damit sa akin. Nung pina-kawit ko sa tita ko yung damit, hindi ako masyadong makahinga LOL. Wag nang magtaka kung makita ang mga bilbil ko sa pics LOL

Going to church, nagkaligaw-ligaw pa kami kasi yung gate na papasukan namin is sarado. Bumalik pa kami para sa kanila dumaan. Nung nakarating na kami, kami nalang pala hinihintay eh ihing-ihi na ako. Nagwawala pantog ko the whole duration of the mass LOL. So yun nag marcha ang lola mo partner yung brother ng groom. Natatawa ako sa tita ko kasi tinuturan nya yung Maid of Honor kung ano dapat gawin LOL! Tapos nung ako na, grabe 2 yung nagtuturo sa akin kung anong gagawin ko kaya medyo natagalan ako XD

The reception (Fishing Village) was nice. It was placed in the middle of a lake. Kaso... maaraw at mainit. It would've been better kung mga around 4 or 5 yung reception kasi mga 1-3pm yung reception kaya ang init. Tapos medyo mahirap maglakad kasi yung floor is pinagdikit-dikit na bars of cement tapos may konting gap in between - lumulusot yung takong ko sa butas. Muntikan nang mawala poise ko dun LOL. Tapos natuwa ako dun sa emcee - parang announcer sa boxing hahaha!! In fairview, kwela sya XD On the rest of the reception, nasali ang lola mo sa bouquet throwing pero this time yung makasalo, eliminated and yung matira yung ang "taya". Nakasalo ako ok? Nyahahaha!!!

Pics on Tuesday. Nasa office yung cable ng cam ko eh XD

 

Bite Marks:
Post a Comment

Bite Marks: Post a Comment


« Return to me