4.25.2007
Chino daw?


Ito si Chino. Nag meet kami through RF Online. Una kaming nag kita nung first EB ng RF online sa Absinthe. Kung hindi dahil sa kanya, hindi namin mabubuko si Azrael Griever. Wag nyo nang itanong kung sino yung a-hole na yun. Anyhoo, simula nung nag hold ng EB ang RF, palagi kaming kasama so palagi kaming nagkikita. Dun na kami naging magkaibigan.

Si Chino ay feeling na lalake. Feeling nya cute sya, gwapo sya, mabait sya... lahat na ng magandang katangian ng lalake feeling nya nasa kanya. Pero ok lang. Kasi ako feeling ko babae ako eh. Pag lumalabas kami, palagi nya akong ni-li-libre kahit nakalabas na pera ko. Oh diba feeling mayaman.

Swerte ako at nakilala ko sya kasi tanggap nya na retokada ako. Tinuturing parin nya akong babae at nirerespeto kahit ganito ako. Muntik na nga ako mahulog sa kanya pero hindi nya ako type eh. Kaya eto. Friends nalang daw kami. Ok lang at least kasama ko parin sya.

At ngayong kaarawan nya, binabati ko sya ng isang maligayang kaarawan. Nawa'y matanto mo na ang kaligayahan na minimithi mo. Sana makakita ka ng TUNAY na babae na mag mamahal sayo...





Teka...





Hindi ko na ma-take.




TAE KA! KAILAN INUMAN!? HAPPY BIRTHDAY CHINO!!! MMMMUUAAAAHHH!!! LABYU

 

Bite Marks:
lol mai.. thanks.. thanks. aagawin na tlaga kita kay mike. hahaha

kaya lang... alam ko namn na katawan ko lang habol mo sakin eh.

joke! haha

thanks talaga. love it. thanks. thanks. yung inuman... saka na. haha
Bitten by Anonymous Anonymous on 4/25/07, 6:03 PM [ ]

Post a Comment

Bite Marks:
lol mai.. thanks.. thanks. aagawin na tlaga kita kay mike. hahaha

kaya lang... alam ko namn na katawan ko lang habol mo sakin eh.

joke! haha

thanks talaga. love it. thanks. thanks. yung inuman... saka na. haha
Bitten by Anonymous Anonymous on 4/25/07, 6:03 PM [ ]

Post a Comment


« Return to me