5.26.2008
3 weeks of no weekend and counting...

Got home from Cebu for the Mural Recognition. Medyo konti pics nakuha ko kasi I was busy doing the BTA. I'll grab the video and other pics who were with me XD

Pagdating namin ng Cebu and pagbaba namin ng gamit namin sa hotel, we went to Larsians to eat our dinner.

Pare-pareho lang tinitinda nila - mga inihaw. When we got there, ang daming sumalubong sa amin, inviting us to sit in their table. Nung nakapili na kami, they asked kung ilang kanin. Sabi ko lima but I suggested them to put them in one plate nalang. But when they served it, nakabalot pala sa balat ng saging HAHAHAHA!


We ordered lots of BBQ, isaw, pusit and 2 litres of Coke. for  2 pesos lang per stick yung BBQ woot! I laughed when this kid carried 2 bottles of Sprite to a nearby stall and traded it for Coke XD. Syempre the best part was eating the food using our hands covered in plastic.

After Larsians, naghanap kami ng Starbucks. FYI, Vasteral is a HUGE fan of Starbucks. He can't afford not to have his "Chino Frap" everyday. He was actually terrified when he found out that there's no Starbucks in Ilocos XD. I don't think Ilocanos will spend more than a hundred bucks just to buy themselves a coffee hahaha!

The whole morning, we did our set-up for each brand - RF, RO, PW, Freestyle and Flyff. Then around 1:00pm, A long line started to form at the registration area. Then around 3 pm, the program proper started. I'll post the pictures here soon. Nasa office pa kasi yung mga images hehehe.

There were roughly around 500-600 attendees. On-ground activities for each brand. Yung target practice namin hindi pinatulan kasi lahat nag sign-up for BTA LOL. We finished the event with a raffle and Vasteral gave 2 pcs 25/25 elem as a finale.

The next day, pumunta kami CnT lechon para sa pasalubong nila. Kaso pagdating namin, naubusan na sila and yung susunod daw ang dating pa was 5pm. Eh nandon kami around 3. Magpapareserve na sana sila kaso "puno" na daw. Magsara na sila diba? Ang alam ko pag ganyan dapat hindi ka nauubusan ng lechon LOL.

After eating lunch at SM, nagikot kami (Vasteral and Varhanite) kasi Vasteral's looking for a 4mb MicroSD. Pumunta kami Datablitz nagulat ako kilala ni Vasteral yung tindera. Sya din yung tindera sa Megamall. Apparently, suki ng Datablitz sa Megamall si Vasteral XD

He  bought a power pack for DS. Nung magbabayad na, hindi na nya pinabalot sa plastic and pinatanggal na nya yung cover kasi gagamitin na daw nya.

But since it requires you put the DS battery on the pack, he needed to unscrew it.

Vasteral:  Wala ba kayong screwdriver dyan?
Tindera: Eto lang. (it's the big screwdriver. the screw on the DS was really small)
Vasteral: Sige yan nalang. Baka pwede.
Me: Gagi ang liit kaya nung screw nyan!
Vasteral: Kaya yan. *pinagpilitang pagkasyahin yung screwdriver*
Me: Tangi sabi ko sayo malaki eh.
Vasteral: *nakita yung cutter* Yan nalang cutter
Vasteral: *hindi parin mabuksan*
Me: Akin na nga!
After a few seconds..
Me: Ayan!
Vasteral: Galing mo talaga Myla! I love you! Kiss kita!
Me: Taena mo! Subukan mo lang *tutok cutter*

Then Varhanite checked out this detachable grip for PSP sa isang stall. Ayun, mega parinig sa akin na pautangin ko sya and babayaran nalang nya ako pagdating ng sweldo. Para syang bata na nagmamakaawa sa nanay na bilhan ko sya ng laruan.

Varhanite: Sige na Mai, pautang na..
Me: Pota ano ako? Nanay nyo?
Varhanite: Sige na mommy T__T

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dun kakapilit nya sa akin at kakamura ko sa kanya. Nung pumayag na ako...

Varhanite: Pwede po ba i-try? Baka kasi hindi pwede sa PSP ko eh. (He owns the fat one)
Tindera; Ay hindi pwede. Naka-seal sya eh.
Me: Yun lang...
Varhanite: *mangiyak-ngiyak na*
Vasteral: Ganito nalang. Pag hindi nagkasya sa PSP mo, sa akin nalang sya. Ako mag-babayad kay Mai.
Varhanite: Sige *ngumiti abot hanggang tenga"
Tindera: *gugupitin na para buksan*
Varhanite: "ay sige wag nalang po"
Tindera: *tawa*
Me: Gagu ka talaga! *sabay batok sa ulo*
*Pagkabukas, inabot sa kanya*
Varhanite: *Dali-daling nilagay sa psp nya*
Varhanite: SYET! KASYA!!!!
Me: Ate, eto na po bayad. Nagkasya na eh hahaha!
Varhanite: POTANGINA! ANG TAGAL-TAGAL KONG NAGHANAP NITO! DITO LANG PALA AKO SA CEBU MAKAKAKITA!!!
Vasteral: All thanks to Myla.
Tindera: Ang ganda naman pala ng nanay nyo..
Me: LOOOOOOL!
Varhanite: Alam mo Mai, sa sobrang ganda mo, kahit mga babae nahuhumaling sayo.
Me: Taena mo! Manahimik ka nga!
Vasteral: Hahaha!

Pag-uwi namin, ang laki ng ngiti nung dalawa. Para silang nabilhan ng bagong sapatos LOL
Si Varhanite hindi mabitawan yung PSP nya hahaha!

At the plane, as usual, I have to tame Chino again. It's even worse kasi nasa gitna kami. Meaning walang window. Meaning there's no other way to shut him up. Buti nalang nasa gitna nila akong dalawa kundi mas maingay pa. Hindi na ako magtataka kung may nakatingin na naman sa amin. Naawa nga ako dun sa katabi ni Varhanite kasi baka naiingayan na sa amin XD

Weh mahaba na pala nasulat ko.

Just to quote Varhanite:
"Potaena! Gimik place ko dito sa airport! Every Friday nalang!"

Next stop - Bacolod.

 

Bite Marks:
Post a Comment

Bite Marks: Post a Comment


« Return to me